Coronavirus - Mga Dapat mong Malaman
Ang libreng online na kurso na ito ay sumasaklaw sa mga mahahalagang aspeto ng coronavirus Covid-19.
Publisher: Advance Learning
Description
Ang libreng kursong ito tungkol sa novel coronavirus (Covid-19) ay nakapokus sa kasaysayan, mga sintomas, pagpasa at pag-iwas sa virus na hindi pa nakikilala sa tao. Ang mga Coronavirus (CoV) ay isang malaking pamilya ng mga virus na nagdudulot ng sakit na umaabot mula sa pangkaraniwang sipon hanggang sa mas malubha pang mga sakit tulad ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS-CoV) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS-CoV). Ang mga coronavirus ay zoonotic. Ibig sabihin, ito ay naipapasa sa pagitan ng mga hayop at tao.
Tatalakayin sa kursong ito kung paanong maaring magresulta ng malalang kahinatnan ang pagsiklab ng virus sa kalusugan ng mga indibidwal na apektado nito, pati na rin ang pinsalang pangkalusugang dulot nito sa ng mga komunidad at bansang apektado nito. Kabilang sa mga karaniwang senyales ng impeksyon ay respiratory symptoms o pagkakaroon ng impeksyon sa baga, lagnat, ubo, pagkahapo, at hirap sa paghinga. Sa mga mas malubhang kalagayan, ang impeksyon ay maaaring magdulot ng pulmonya, severe acute respiratory syndrome, pagbigay ng bato o di kaya ay pagkamatay.
Ang kursong ito ay isang natatanging inisyatibo na nakabatay sa impormasyon mula sa World Health Organization (WHO), Geneva, Switzerland, at CDC (Centre of Disease Control, USA). Ang kursong ito ay isa sa mga makabagong inisyatibo ng Alison upang makabuo ng isang mabilisang pagtugon at pandaigdigang sistemang sertipikasyon sa pag-aaral upang malabanan ang malawakang pagkalat ng sakit. Ang libreng kurso ay maa-update buwanang. Upang hikayatin ang kamalayan sa kaalaman at pag-unawa tungkol sa virus at mga banta nito, gumawa din ang Alison ng kursong may sertipikasyon na naka-PDF na magagamit ng libre sa buong mundo. Sa pagkuha mo ng kursong ito, mananatili kang updated sa mga paraan upang matugunan ang bantang hatid ng corona virus sa iyo at sa iba pa. Kaya ano pa ang hinihintay mo? Simulan mo na ngayon ang kursong ito at sa loob lamang ng 1-2 oras ay madadagdagan na agad ang iyong kaalaman upang maprotektehan and sarili, ang iyong pamilya, at ang iyong komunidad mula sa pagkakaroon at pagpasa ng novel coronavirus.
Start Course Now